Biography jose rizal tagalog version
Biography jose rizal tagalog version printable...
Biography jose rizal tagalog version
Talambuhay ni Jose Rizal
Isang bayaning nag-alay ng buhay sa bansa si Jose Rizal. Siya ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ama niya si Francisco Mercado Rizal na taga-Binan. Ina naman niya si Teodora Alonzo Realonda na taga-Maynila.
Sampu lahat ang mga kapatid ni Jose. Kasama rito sina Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad at Soledad.
Kabilang sa mga mayayaman ang pamilya nina Jose. Sa katunayan malaking-malaki ang bahay na ipinatayo nila sa sentro ng Calamba.
Tatlong taon pa lamang ay natutuhan na ni Jose mula sa kanyang ina ang pagbasa ng alpabeto.
Ang pormal na pag-aaral ay una niyang naranasan sa pamamahala ni Don Justiniano Aquino Cruz, isang guro sa Binan.
Biography jose rizal tagalog version full
Lalong napalayo si Jose sa mga magulang nang ipasok siya sa Colegio de San Juan de Letran. Sapagkat matalinong estudyante, hinangaan siya ng mga guro at mga kamag-aral sa nasabing paaralan. Noong nagkaroon ng problema sa lupa si Dona Teodora laban sa mga parin